Grabeh hindi ako makahinga...nasasakal na ako...hindi ko na tuloy malaman kung masaya pa ako...minsan pakiramdam ko mas madalas pa yata na nasasaktan ako kesa masaya ko...paano ko magagawang higitan ang dalawampu't tatlong taon nila kung wala pang isang taon nahihirapan na ko...
I smoke pag bad trip ako...at sa loob ng anim na buwan ng relasyon namin naka-isang kaha na yata ako...meaning laging masama ang loob ko...ewan ko ba...pag masaya kami talaga namang masaya ako...pero pag binabad-trip niya ako talagang bad-trip ako na parang gusto kong mag-droga...minsan nahihiling ko na wag muna siyang makita...pero pag wala naman siya...hindi ako mapakali...mabaliw-baliw ako sa kaiisip sino kasama niya, sino kausap niya, sino kayakap niya...
Nahihirapan na ako...pero ayokong kumalas...ayokong iwan niya ako...magtitiis na lang ba ako? Hindi ko naman kailangan ang pera niya eh...ang gusto ko oras niya...atensyon niya, paglalambing niya...kaya lang madalas sa oras na binibigay niya dun suma-sama ang loob ko dahil masakit minsan ang biro niya...masakit minsan kasi alam ko nasasaktan din siya sa mga sinasabi niya at ayokong nasasaktan siya...
pero anong gagawin ko? wala akong mahingan ng payo...wala akong mapagtanungan kundi hangin...
Sa mga ganitong pagkakataon, gusto kong magka-sakit...para mapahinga kahit papano ang utak ko...gusto ko munang pumikit...gusto ko ang makikita ko lang sa pagpikit ko yung mga araw na masaya kami...kahit gutom kami pareho basta mag-kasama kami...
Bakit ganon? Bakit hindi ko siya maintindihan?
at bakit hindi niya ako maintindihan?
Letseng PAG-IBIG to!
29.6.09
Subscribe to:
Posts (Atom)